
Dalawang mananaya ang masuwerteng tinamaan ang jackpot prize na P50,952,075.80 matapos makuha ang winning combinations na 16 – 9 – 25 – 17 – 10 – 15 sa Ultra Lotto 6/58 draw ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na binola kagabi, Linggo, Oktubre 19.
Ayon sa PCSO, may isang taon ang nanalo para i-claim ang premyo sa kanilang main office sa Mandaluyong City, kung saan papatawan ito ng 20% buwis alinsunod sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) law.
Narito ang schedule ng mga lotto game mula Lunes hanggang Linggo:
– Ultra Lotto (Tuesday, Friday, Sunday)
– Super Lotto (Tuesday, Thursday, Sunday)
– Grand Lotto (Monday, Wednesday, Saturday)
– Mega Lotto (Monday, Wednesday, Friday)
– Lotto (Tuesday, Thursday, Saturday)
Mapapanood ang PCSO Lottery Draw tuwing 2:00 p.m., 5:00 p.m., at 9:00 p.m. sa mga bagong tahanan nito sa IBC 13 at D8TV gayundin sa online platforms ng PCSO, IBC-13, at DWAN 1206. –VC