IBCTV13
www.ibctv13.com

20 Pinay na ginawang surrogate mom sa Cambodia, sinagip ng mga awtoridad

Ivy Padilla
470
Views

[post_view_count]

Kinumpirma ng Embahada ng Pilipinas sa Phnom Penh ang pagsagip ng Cambodian National Police sa 20 kababaihang Pilipino na umano’y ginawang surrogate moms sa Kandal Province noong Setyembre 23.

13 sa naturang mga Pilipina ang nasa iba’t ibang stages ng pagbubuntis at ngayo’y inaalagaan sa isang local hospital habang ang natitirang pito (7) ay nakatakdang i-repatriate pabalik sa Pilipinas.

Batay sa preliminary interview ng embahada, naganap ang recruitment ng 20 Pinay sa cyberspace ng isang indibidwal na hindi pa tukoy ang pagkakakilanlan at nasyonalidad.

Inasikaso umano nito ang paglipad ng mga babaeng biktima sa mga bansa sa Southeast Asia ngunit kalauna’y ipinadala sa Cambodia.

Ang ginawang pagsagip sa mga Pinay ay alinsunod sa Law on Suppression of Human Trafficking and Sexual Exploitation ng naturang bansa.

Sa ngayon, patuloy ang pakikipag-ugnayan ng Philippine Embassy sa Cambodian authorities para sa agarang resolusyon ng kaso.

“The Embassy will continue to cooperate with law enforcement agencies and international partners to resolutely and proactively address human trafficking in all forms,” saad ng embahada. -VC

Related Articles

National

Ivy Padilla

57
Views

National

Ivy Padilla

111
Views

National

Ivy Padilla

92
Views