IBCTV13
www.ibctv13.com

200 Afghans na nagproseso ng kanilang SIV sa Pilipinas, nakalipad na patungong US

Ivy Padilla
75
Views

[post_view_count]

Photo from US Embassy in the Philippines

Inanunsyo ng US Embassy in Manila na nakaalis na patungong Estados Unidos ang 200 Afghan nationals na nagproseso ng kanilang special immigrant visa (SIV) sa Pilipinas. 

Sa isang pahayag, nilinaw ni US Embassy spokesperson Kanishka Gangopadhyay na halos 200 Afghans lang ang dumating sa bansa, taliwas sa naunang impormasyon na nasa 300 indibidwal ang lumipad para mag-asikaso ng kanilang visa. 

“Just under 200 Afghan nationals arrived in the Philippines on January 6 for final processing of their Special Immigrant Visa (SIV) applications at the U.S. Embassy in Manila,” saad ni spokesperson Kanishka. 

Nagpaabot naman ng pasasalamat ang gobyerno ng Amerika para sa tulong at suporta ng bansa sa mga nasabing Afghan Special Immigrants. 

“The government of the United States extends deep appreciation to the government of the Philippines for their cooperation and support for US efforts to assist Afghan Special Immigrants,” ani Kanishka.

Matatandaang dumating sa Pilipinas ang mga Afghan national noong Enero 6, 2025.

Related Articles

National

Ivy Padilla

79
Views

National

Ivy Padilla

82
Views