IBCTV13
www.ibctv13.com

25 katao, patay sa nasunog na bus sa Thailand

Divine Paguntalan
3307
Views

[post_view_count]

Thai authorities during the retrieval of bodies from the school bus after a fiery crash in suburban Bangkok on October 1, 2024. (Photo by VOA)

Nasawi ang 25 katao na kinabibilangan ng 22 mag-aaral at tatlong guro, mula sa isang aksidente ng bus na nasunog sa Pathum Thani, Thailand nitong Martes, Oktubre 1.

Ayon sa mga awtoridad at ilang saksi, pumutok ang gulong ng bus habang bumabiyahe sa kahabaan ng nasabing highway hanggang sa nawalan na ito ng kontrol at bumangga sa barrier, na siyang nagdulot ng mabilis na pagsiklab ng apoy.

44 katao ang kabuuang sakay ng nasabing bus na patungo sana sa isang school trip kaya karamihan dito ay mga estudyante mula kindergarten hanggang junior high school.

Nakaligtas naman ang 16 na mag-aaral kasama ang tatlong guro na pare-parehong nagtamo ng matinding sunog sa mukha.
“Initial reports said there are 44 on board, 38 students and six teachers. As far as we know now, three teachers and 16 students got out,” pahayag ni Transport Minister Suriya Juangroongruangkit.

Ayon naman sa mga rumesponde sa aksidente, hirap silang makilala ang mga katawan dahil sa tindi ng pagkasunog nito.

“Some of the bodies we rescued were very, very small. They must have been very young in age. The kids’ instinct was to escape to the back so the bodies were there,” saad ng responder.

Nagpaabot naman ng pakikiramay si Prime Minister Paetongtarn Shinawatra sa mga naulilang magulang at tiniyak na sasagutin ng kanilang pamahalaan ang lahat ng medical expenses ng mga nakaligtas pati na rin ang compensation para sa mga nasawi. – AL

Related Articles

International

Divine Paguntalan

173
Views

International

Ivy Padilla

1016
Views