IBCTV13
www.ibctv13.com

290 Pinoy mula Lebanon, nakauwi na sa Pilipinas – DMW

Ivy Padilla
405
Views

[post_view_count]

290 Filipinos were successfully repatriated from Lebanon on Saturday, October 26, amid escalating tension in the Middle east. (Photo by DMW)

Matagumpay na nakauwi sa Pilipinas ang 290 Pilipino na inilikas mula Lebanon ngayong Sabado, Oktubre 26, ayon kay Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Hans Leo Cacdac.

Bandang 3:03 ng hapon, lumapag sa Ninoy Aquino  International Airport (NAIA) Terminal 1 ang eroplano na isang chartered flight mula Beirut, Lebanon patungong Maynila. 

Kinabibilangan ito ng 233 overseas Filipino workers (OFWs) at kanilang 36 dependents, gayundin ng 21 overseas Filipino kasama ang 23 dependents. 

Ayon sa DMW, ito na ang pinakamalaking bilang ng mga Pilipino na na-repatriate mula sa nasabing bansa bunsod ng tumitinding sigalot at kaguluhan sa middle east.

Makakatanggap ang mga ito ng tig-P75,000 mula sa AKSYON Fund ng DMW, P75,000 mula sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) at  P20,000 naman mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD)

Sa kabuuan, umabot na sa 903 OFWs at 47 dependents ang nakauwi sa bansa magmula noong Oktubre 2023. 

Kasabay nito, tiniyak ni Sec. Cacdac na ligtas ang 86 pang Pilipino sa Lebanon na kasalukuyang nananatili sa shelter ng kagawaran sa Beirut. 

Aniya, binibigyan ang mga ito ng sapat na pagkalinga at pagkain, gayundin ng tulong pinansyal. 

Nananatili sa Alert Level 3 o voluntary ang repatriation sa nasabing bansa kung saan hindi ito maaaring itaas sa Alert Level 4 dahil mismong Lebanon ang hindi kayang mag-isyu ng exit clearance para sa mga Pilipino. 

Ang walang patid na pagkilos ng DMW at iba pang attached agencies ay alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. i-evacuate ang mga Pilipino upang matiyak ang kanilang kaligtasan. 

Related Articles