IBCTV13
www.ibctv13.com

3 ashing event, naitala sa Kanlaon Volcano ngayong araw

Ivy Padilla
222
Views

[post_view_count]

Gray ash coming out from the continuous degassing from the Kanlaon Volcano summit crater today, November 2. (Screengrab from PHIVOLCS)

Naglabas ng tatlong (3) magkakasunod na ‘gray ash’ ang bulkang Kanlaon sa Negros Island bandang 6:24 a.m., 7:05 a.m. at 7:27 a.m. ngayong Sabado, Nobyembre 2.

Ayon sa Canlaon City Observation station, tumagal ng apat (4) na minuto ang unang pagbuga ng bulkan, sinundan ito ng 12 minuto at huli ay siyam (9) na minuto.

Umabot sa 400 metrong taas ng abo ang inilibas ng Kanlaon na napadpad sa direksyong timog-kanluran (SW).

Naitala rin sa bulkan ang 31 volcanic earthquakes batay sa 24 oras ng pagmamanman ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).

Bukod pa rito ang inilabas na 6,993 tonelada ng sulfur dioxide flux o asupre na nakitaan ng pamamaga.

Nitong Biyernes, Nobyembre 1, una nang nagbuga ang Kanlaon ng 800 metrong taas ng abo na nagtagal ng 19 minuto.

Patuloy na ipinagbabawal ang pagpasok sa apat (4) na kilometrong permanent danger zone (PDZ), gayundin ang paglipad ng anumang aircraft malapit sa tuktok ng Kanlaon.

Sa ngayon, nakataas pa rin ang Alert Level 2 sa naturang bulkan.