IBCTV13
www.ibctv13.com

3 counts of murder, isinampa ng ICC kay FPRRD

Divine Paguntalan
244
Views

[post_view_count]

ICC Court Ruling; Former President Rodrigo Duterte. (Photo from ICC)

Pormal nang kinasuhan ng International Criminal Court (ICC) si dating Pangulong Rodrigo Duterte ng three counts of murder bilang crimes against humanity, kaugnay ng pagkasawi ng hindi bababa sa 78 katao mula 2013 hanggang 2018 sa ilalim ng kampanya kontra droga ng kanyang administrasyon.

Batay sa dokumentong nilagdaan ni ICC Deputy Prosecutor Mame Mandiaye Niang, iginiit ng prosekusyon na ang dating Pangulo ay may pananagutan sa serye ng mga pagpatay at tangkang pagpatay habang siya ay alkalde pa lamang ng Davao City hanggang sa maging Pangulo ito ng Pilipinas.

“Duterte is individually criminally responsible pursuant to article 25(3)(a) of the Rome

Statute for the crimes charged in Counts 1 to 3 as he committed them as an indirect co-perpetrator,” nakasaad sa court filing. 

3 Counts of Murder:

  • Count 1: Murder bilang crime against humanity sa Davao City, kaugnay ng pagkamatay ng 19 biktima mula 2013 hanggang 2016.
  • Count 2: Murder bilang crime against humanity laban sa mga tinaguriang “High-Value Targets” sa iba’t ibang bahagi ng bansa, na kinasasangkutan ng 14 biktima mula 2016 hanggang 2017.
  • Count 3: Murder at attempted murder bilang crimes against humanity sa mga barangay clearance operations sa buong bansa, na nagresulta sa 45 biktima mula 2016 hanggang 2018.

Sa dokumento ng ICC, ang mga naturang pagpaslang ay isinagawa umano ng mga pulis at mga inutusang hitman. 

Ang pagsasampa ng kaso ay mahalagang bahagi ng proseso ng ICC para alamin kung may sapat na ebidensya upang maisalang si Duterte sa paglilitis at sa oras na makumpirma, ililipat ang kaso sa Trial Chamber.

Matatandaan noong Marso 7, 2025, naglabas ng warrant of arrest ang ICC laban kay Duterte para sa mga kasong murder, torture, at rape na umano’y naganap sa Pilipinas mula Nobyembre 1, 2011 hanggang Marso 16, 2019. – AL