IBCTV13
www.ibctv13.com

3 taong fixed term ng PCG Commandant, aprubado na ni Pangulong Marcos Jr.

Divine Paguntalan
107
Views

[post_view_count]

(Photo from PCO)

Nilagdaan na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang bagong batas na nagtatakda ng tatlong taon na termino para sa Commandant ng Philippine Coast Guard (PCG).

Sa ilalim ng Republic Act (RA) 12122, ang panunungkulan ng isang PCG Commandant ay magsisimula sa araw ng kanyang opisyal na pagkakatalaga at magtatagal nang hindi lalampas ng tatlong taon, maliban na lamang kung ito ay mas maagang tatapusin ng Pangulo.

Nakasaad din sa batas na awtomatikong magreretiro ang Commandant matapos ang kanyang termino o kung siya ay mapapalitan ng Punong Ehekutibo bago matapos ang tatlong taon.

Layon ng nilagdaang batas ng Pangulo na matiyak ang katatagan at tuluy-tuloy na reporma sa ahensya.

Kasabay nito ang tumitinding tensyon sa West Philippine Sea (WPS) kung saan inaasahang makatutulong ang bagong batas sa mas epektibong pagpapatupad ng mga pangmatagalang programa sa PCG. – AL

Related Articles

National

Intercontinental Broadcasting Corporation

90
Views

National

Intercontinental Broadcasting Corporation

101
Views

National

Hecyl Brojan

32
Views