IBCTV13
www.ibctv13.com

32 payout sites kung saan mamamahagi ng P5K cash aid sa mga tricycle driver, inilabas ng DSWD

Khengie Hallig
147
Views

[post_view_count]

Photo from PNA

Inilabas ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang listahan ng 32 payout sites kung saan isasagawa ang pamamahagi ng P5,000 cash assistance sa mga public utility vehicle (PUV) driver sa Metro Manila na apektado ng pagtaas ng presyo ng langis, simula Martes, Marso 17.

Ayon sa DSWD, uunahin ang pamamahagi sa mga tricycle driver kung saan 1,000 ang target na mabibigyan ng tulong kada araw dahil mas mabilis silang matukoy ng kanilang mga local government unit (LGU) at Tricycle Operators and Drivers’ Association (TODA).

Susundan naman ito ng pamamahagi sa mga driver ng jeepney, taxi, UV express, TNVS, at bus.

Narito ang listahan ng payout sites sa Metro Manila kung saan maaaring i-claim ang cash assistance simula bukas:

Photo from Merry Ann Bastasa/RP1
Photo from Merry Ann Bastasa/RP1
Photo from Merry Ann Bastasa/RP1

Kinakailangan lamang dalhin ng mga benepisyaryo ang kanilang valid Driver’s License at isang (1) photocopy nito sa pagkuha ng tulong.

Paalala din ng ahensya, kinakailangang parehas ang pangalan at apelyido na nasa ID sa pangalang nakalista sa LGU upang matanggap ang tulong pinansyal.

Sunod na palalawigin ang pamamahagi ng cash assistance sa mga jeepney driver sa buong bansa.

Samantala, nakikipag-ugnayan na rin ang DSWD, Department of Transportation (DOTr), at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) para sa opisyal na listahan ng mga PUV driver na makatatanggap pa ng tulong sa mga susunod na linggo. – VC

Related Articles