IBCTV13
www.ibctv13.com

41% ng mga Pilipino, suportado ang impeachment ni VPSD – survey

Divine Paguntalan
204
Views

[post_view_count]

Vice President Sara Duterte (Photo by Earl Tobias, IBC News)

Lumabas sa bagong survey ng Social Weather Stations (SWS) na may 41% ng mga Pilipino ang suportado ang isinusulong na impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.

Isinagawa mula Disyembre 12 hanggang 18 nitong nakaraang taon, 35% naman ang nagsabing tutol sila sa pagpapatalsik kay VP Sara habang 19% ang nananatiling undecided sa kanilang opinyon.

Batay sa mga Pilipinong sumagot, pangunahing dahilan ng kanilang suporta sa impeachment ay ang umano’y hindi maipaliwanag na paggastos ng confidential at intelligence funds ng Office of the Vice President (OVP) at noong siya ay kalihim pa sa Department of Education (DepEd).

May mga nagsabi rin na sumasang-ayon sila sa impeachment dahil sa kontrobersyal na pagtanggi ng VP na sagutin ang mga imbestigasyon kaugnay sa paggamit niya ng pondo gayundin ang pagbabanta niya laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Matatandaang tatlong (3) impeachment complaints ang isinampa ng iba’t ibang grupo laban sa Bise Presidente sa House of Representatives.

Ang mga reklamo ay kaugnay sa isyu ng umano’y maling paggamit ng pondo at kawalan ng transparency sa pamamahala ng kanyang tanggapan. – VC

Related Articles