
Positibo ang 47% ng mga Pilipino na bubuti ang kalidad ng kanilang pamumuhay sa susunod na 12 buwan, batay sa isinagawang survey ng Social Weather Stations (SWS) noong Hunyo.
Samantala, 37% naman ang naniniwalang walang magbabago sa lagay ng kanilang buhay habang 5% lamang ang nagsabing posibleng lumala ang kanilang sitwasyon.
Naitala ang Net Personal Optimism score na “excellent” sa Metro Manila na tumaas ng apat na puntos (mula +40 naging +44), gayundin sa Balance Luzon na halos hindi nagbago (mula +45 naging +44).
Isinagawa ang naturang pag-aaral mula Hunyo 25-29, 2025 saklaw ang kabuuang 1,200 respondente mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa. – VC