Nasabat ng U.S. Customs and Border Protection (CBP) sa Otay Mesa sa San Diego, California ang higit $5-milyong halaga ng methamphetamine o shabu na unang idineklara bilang kargamento ng mga pakwan, ngunit kalaunan ay napag-alaman na peke at isa lamang papel na itsurang pakwan.
Ayon sa mga awtoridad, nasa 1,220 pakete ng iligal na droga ang kabuuang laman ng mga nakumpiskang balot ng pekeng pakwan, katumbas ito ng 4,587 pounds.
Kinumpiska na ng mga opisyal ng CBP ang mga narkotiko at truck na ginamit sa delivery habang ang driver nito ay nasa kustodiya na ng Homeland Security Investigations para sa karagdagang imbestigasyon.
Samantala, tiniyak naman ni Otay Mesa Port Director Rosa E. Hernandez na patuloy sa pagpapaigting ang kanilang ahensya para puksain ang smuggling sa Estados Unidos mula pa noong 2023. -VC