IBCTV13
www.ibctv13.com

59% ng mga Pinoy, kuntento at masaya sa pamamahala ng Marcos Jr. admin – survey

Ivy Padilla
837
Views

[post_view_count]

Photo by PCO

Nananatiling mataas ang kumpiyansa ng mga Pilipino sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. matapos makatanggap ng 59% na satisfaction rating sa 4th quarter survey ng Social Weather Stations (SWS).

Ito ay katumbas ng +36 satisfaction rating na classified bilang ‘good’.

Batay sa datos, 23% lamang ang ‘dissatisfied’ sa pamamahala ng kasalukuyang administrasyon habang 17% ang nananatiling neutral.

Kabilang sa mga serbisyo ng Marcos Jr. admin na nakatanggap ng ‘very good’ na satisfaction rating mula sa publiko ay ang mga sumusunod:

– Pagtulong sa mga biktima ng sakuna (+65)
– Pagpapaganda sa edukasyon ng mga kabataan (+60)
– Pagtulong sa mga mahihirap (57+)
– Paglikha ng mga trabaho (+51)
– Pagpapaunlad sa agham at teknolohiya (+51)

Samantala, nakakuha naman ng ‘good’ rating ang sumusunod na usapin:

– Pagpapatupad ng proyektong pabahay para sa mahihirap (+49)
– Pagtiyak sa food security (+46)
– Pagsasaayos ng pampublikong transportasyon (+45)
– Pagiging handa sa mga kalamidad (+44)

Isinagawa ang nasabing survey mula December 12-18, 2024 saklaw ang higit 2,000 respondente sa buong bansa.

Related Articles

National

Darryl John Esguerra, Philippine News Agency

131
Views

National

Darryl John Esguerra, Philippine News Agency

232
Views

National

Veronica Corral

176
Views