IBCTV13
www.ibctv13.com

6 na bagyo, inaasahang papasok sa PAR bago matapos ang 2024

Alyssa Luciano
4843
Views

[post_view_count]

(Photo by PNA)

Aabot pa sa anim (6) na mga bagyo ang inaasahang papasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) bago matapos ang taong 2024 ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Batay sa outlook ng PAGASA Climate Forum, naglalaro sa dalawa (2) hanggang walong (8) bagyo ang posibleng pumasok at dumaan sa PAR sa pinakahuling kwarter ng taon.

“Ang huli nating estimate based sa pinaka-last na forum is from two to eight na tropical cyclones. Dahil nakadalawa na tayo ngayong October, likely hanggang anim ang maximum number ng tropical cyclones na inaasahan natin bago magtapos ang taon,” saad ni PAGASA Weather Division officer-in-charge Chris Perez.
Dagdag pa ni Perez, asahan na mas malalakas ang mga susunod na bagyo na may tyansang tumawid sa kalupaan ng bansa.
Kasalukuyang nakataas sa kategoryang Super Typhoon ang bagyong Leon na nagpapaulan sa malaking bahagi ng Northern Luzon as of 10:00 a.m. ngayong Miyerkules, Oktubre 30. – VC

Related Articles