IBCTV13
www.ibctv13.com

PBBM: Karagdagang medical teams, ipapadala sa Bicol region

Ivy Padilla
234
Views

[post_view_count]

The DOH Health Emergency Response Team assisted typhoon-hit victims in different affected areas. (Photo by DOH)

Inanunsyo ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na magpapadala ang Department of Health (DOH) ng karagdagang medical team sa Bicol Region upang matulungan ang mga residenteng nangangailangan ng serbisyong medikal.

“That was the decision we made yesterday (Friday) when we had an overall meeting that DOH has to send medical teams,” saad ni Pangulong Marcos Jr.

Nananatiling bukas at operational ang mga pampublikong ospital sa rehiyon ayon kay Assistant Regional Director Rosa Maria Rempillo ng DOH Bicol Center for Health Development (CHD).

Gayunpaman, kinakailangan pa rin ng karagdagang medical personnel sa ilang pasilidad na higit naapektuhan ng bagyo.

“We are requesting additional manpower for the Geriatric Medical Center kasi six days na pong straight yung mga tao natin dun,” ulat ni Rempillo sa Pangulo.

Nagpalakat na rin aniya ng Health Emergency Response Teams (HERTs) para umalalay sa mga evacuation center.

“Right now, our health workers, though affected, are deployed in the different evacuation centers, serving our affected population,” saad ni Rempillo.

Una nang tiniyak ni DOH Secretary Ted Herbosa na handa ang ahensya na mag-deploy ng Philippine Emergency Medical Assistance Team (PEMAT) kung kinakailangan.

May kabuuang P142-milyon ang inilaan ng DOH para sa mga biktima ng bagyo. -VC

Related Articles

National

Office of Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez

88
Views

National

Divine Paguntalan

89
Views