
Isang maswerteng mananaya mula Zamboanga del Sur ang nag-uwi ng P3,028,488.00 matapos eksaktong tamaan ang winning combination sa 6D Lotto draw noong Sabado, Mayo 3, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).
Kinilala ang 1st prize winner na si Carl Andrew M. Rubio, na nakahula ng winning numbers na 0 – 2 – 0 – 8 – 8 – 2 sa tamang pagkakasunod-sunod.
Si Rubio ang nag-iisang 1st prize winner sa nasabing draw.
Samantala, wala pa ring nanalo sa mga major lotto games kaya patuloy na tumataas ang mga jackpot prize sa mga susunod na bolahan.
Narito ang schedule ng mga lotto game mula Lunes hanggang Linggo:
– Ultra Lotto (Tuesday, Friday, Sunday)
– Super Lotto (Tuesday, Thursday, Sunday)
– Grand Lotto (Monday, Wednesday, Saturday)
– Mega Lotto (Monday, Wednesday, Friday)
– Lotto (Tuesday, Thursday, Saturday)
Mapapanood ang PCSO Lottery Draw tuwing 2:00 p.m., 5:00 p.m., at 9:00 p.m. sa mga bagong tahanan nito sa IBC 13 at D8TV gayundin sa online platforms ng PCSO, IBC-13, at DWAN 1206.