IBCTV13
www.ibctv13.com

7 immigration officers, sinibak dahil sa umano’y koneksyon sa human trafficking

Divine Paguntalan
103
Views

[post_view_count]

Immigration counters at NAIA Terminal 1 (IBC file photo)

Pitong tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang sinibak sa pwesto kasunod ng pagkakasangkot umano sa iligal na pagpapalabas ng bansa ng mga biktima ng human trafficking.

Ayon kay BI Commissioner Joel Anthony Viado, ang hakbang na ito ay bahagi ng pinaigting na internal cleansing ng ahensya alinsunod sa utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na tapusin ang katiwalian at palakasin ang seguridad sa mga paliparan sa bansa.

Ang mga tinanggal na empleyado ay nakatalaga sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminals 1 at 3.

Iniimbestigahan na ang kanilang posibleng naging papel sa iligal na pagpapalabas ng mga Pilipinong nasagip mula Myanmar at kung mapatunayang sangkot ay mahaharap sa kasong kriminal sa Department of Justice (DOJ).

Muling nagpaalala si Viado na hindi sapat ang paghihigpit sa immigration counters at kailangang magsanib-pwersa ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan upang tuluyang buwagin ang malawakang operasyon ng human trafficking.

“Whether it be a corrupt individual or areas that are vulnerable for illegal travel, these syndicates push to exploit every possible loophole to smuggle victims out undetected,” saad ng BI commissioner.

“This is why continuous vigilance, stronger enforcement, and interagency cooperation are crucial in stopping these crimes,” dagdag niya.

Sa datos ng BI noong 2024, umabot sa 1,093 na Pilipino ang naharang bago sila maipuslit palabas ng bansa at ni-refer sa Inter-Agency Council Against trafficking (IACAT) upang matulungan na sampahan ng kaso ang mga recruiter. – VC

Related Articles