Nagpahayag ng matinding pagkabahala ang mga miyembro ng House of Representatives kaugnay sa pag-amin ni Vice President Sara Duterte na may inutusan umano siyang ‘assassin’ para patayin si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Binigyang-diin ni Senior Deputy Speaker Aurelio “Dong” Gonzales Jr. na mabigat ang naging pahayag ng Bise Presidente.
“The gravity of these statements cannot be overstated. A kill-order on the President is not only a heinous crime but also a betrayal of the highest order—one that shakes the very foundation of our democratic institutions,” saad ni Gonzales.
“The Vice President, as the next in line to the Presidency, is entrusted with the responsibility of safeguarding the Constitution, not undermining it,” dagdag nito.
Nanawagan naman si House Majority Leader Manuel Jose “Mannix” M. Dalipe sa mga awtoridad na magsagawa ng imbestigasyon upang malaman ang katotohanan sa likod ng planong pagpatay sa Pangulo.
“The people deserve to know the full extent of this plot, including any potential abuse of power or betrayal of public trust. The integrity of our democracy demands nothing less,” ani Dalipe.
Ipinunto rin ni Deputy Speaker David “Jay-Jay” Suarez na isang seryoso at mabigat na krimen ang pag-target sa Pangulo ng bansa.
“This situation transcends politics—it is about the survival of our democracy, the preservation of public trust, and the safety and stability of our nation. Any individual, no matter how high their rank, must be held accountable for actions that threaten the integrity of our government,” saad ni Suarez.
Handa ang mga lider ng Kamara na makipagtulungan sa law enforcement agencies kung saan tiniyak ng mga ito ang patas at tapat na pagtugon sa nasabing isyu.