Ito ay bunsod ng patuloy na agresyon ng naturang bansa sa West Philippine Sea (WPS), pagpasok ng mga smuggled product, at pagdami ng mga kasong kriminal na kinasasangkutan ng mga Chinese national.
Batay sa resulta, 85% ng mga Pilipino ang may negatibong pananaw sa China kung saan nakapagtala ang National Capital Region (NCR) at Balance Luzon ng may pinakamataas na porsyento (88%) ng hindi pabor na pananaw.
Nasa 78% ng mga Pilipino naman ang naniniwalang pinakamalaking banta sa seguridad ng bansa ang China, pumapangatlo lamang ang Russia at North Korea.
Kaugnay nito, ipinakita rin ng survey na 76% ng mga Pilipino ang sumusuporta sa matatag na paninindigan ng pamahalaan at sa mabilis na aksyon ng Philippine Coast Guard (PCG), Philippine Navy, at Armed Forces of the Philippines (AFP) sa pagtatanggol ng teritoryo ng bansa sa WPS.
Ang resulta ng survey ay nagpapakita lamang ng pagkakaisa ng sambayanan sa matibay na posisyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na hindi kailanman ipamimigay kahit isang pulgada ng teritoryo ng Pilipinas sa China.
Isinagawa ang survey mula Hulyo 12 hanggang 17 ngayong taon, sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa 1,200 respondents na nasa edad 18 pataas mula sa iba’t ibang panig ng bansa. –VC