Positibo si Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Monetary Board Member Benjamin Diokno na makakamit ng Pilipinas ang “A” credit rating sa loob ng susunod na isa (1) hanggang dalawang (2) taon.
Ito ay kasunod ng pagtaas ng S&P Global Ratings (S&P) sa credit rating outlook ng bansa patungong ‘positive.’
“Maybe in a year or two, we’ll get an upgrade. We used to be a member of an exclusive club called HICs. You know what HICs means? Heavily indebted country. And slowly, we got above investment grade, and hopefully, in a year or two, we’ll get an A rating,” saad ni Diokno.
Binigyang-diin ng opisyal na ‘realistic’ ang nasabing target kung magiging maayos ang external at political situation ng bansa.
“There are some minor rating agencies already rating us an A. Maybe realistically, in two years’ time, we’ll get an A rating if everything goes well. Assuming no external development and maybe even our political situation,” ani Diokno.
Kasabay nito, sinabi ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah Pangandaman na makatutulong sa inaasam-asam na ‘upgrade’ ang Medium Term Fiscal Framework ng administrasyong Marcos Jr.
“I think they acknowledge that all the indicators, the targets that we specified are all going to fruition,” saad ni Pangandaman.
Aniya, nakatutok ang bansa sa pagpapaganda ng mga imprastraktura kung saan nananatiling nasa 5% hanggang 6% ng gross domestic product (GDP) ang ilalaan ng pamahalaan para sa social infrastructure.
“We’ll just continue to spend, to put the money in right spending, social sector, infrastructure, and we’ll make sure that the budget provided for is being utilized by the agencies,” dagdag nito.
Matatandaang binanggit ng S&P na isa sa key factor na nakatulong sa pagpapataas ng credit rating ang pinagandang mga imprastraktura sa bansa. – VC