IBCTV13
www.ibctv13.com

AFP, kinondena ang pagpapakalat ng lumang video kaugnay ng pagtaas ng subsistence allowance noon ng kasundaluhan

Hecyl Brojan
113
Views

[post_view_count]

The Armed Forces of the Philippines released a statement on the malicious resurfacing of a 2024 video. (Photos from AFP)

Mariing kinondena ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang muling paglitaw at paggamit sa malisyosong paraan ng isang video call noong 2024 nina dating House Speaker Martin Romualdez, dating Appropriations Chair Zaldy Co, at AFP Chief of Staff Gen. Romeo Brawner Jr. patungkol sa subsistence allowance ng kasundaluhan.

“The old clip, is now being twisted by destabilizers to insinuate that the AFP has been “bought”, “controlled”, or “compromised,” saad ng AFP sa isang pahayag ngayong araw, Nobyembre 17.

Nilinaw ng AFP na ang ipinapakalat na clip ay kuha noong tinalakay at inaprubahan ng Kongreso ang matagal nang nakabinbing pagtaas sa subsistence allowance ng mga sundalo, mula P150 tungong P350, isang repormang inisyuhan mismo noong December 2023.

Kasunod ito ng pagpupulong nina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at Brawner kung saan tinalakay ang benepisyo na makatutulong sa hanay.

Ayon sa AFP, nakipag-ugnayan ito sa Kongreso sa pamamagitan ni Ilocos 1st District Rep. Sandro Marcos, kasama sina Co at Romualdez, upang maisama ang pondo sa noo’y panukalang 2025 national budget.

“To set the record straight: expressing gratitude to lawmakers for supporting a reform that directly benefits soldiers does not, in any form, give anyone control over the Armed Forces of the Philippines (AFP).”

Giit ng Sandatahang Lakas, ang benepisyo ay matagal nang pangangailangan ng mga sundalo sa kanilang serbisyo at walang kinalaman sa anumang personal na interes o kompromiso.

Binigyang-diin din ng ahensya na ito ay nararapat lamang bunsod ng mga sakripisyo ng mga sundalo, at hindi dapat gamitin ng sinuman para magdulot ng duda o destabilisasyon.

“The dignity, loyalty, courage, and integrity of the Filipino soldier cannot be bought–not now, not ever.”

Nanindigan naman ang ahensya na mananatili itong tapat sa Konstitusyon, at hindi kailanman maaapektuhan ng maling impormasyon o anumang pagtatangkang kaladkarin ang institusyon sa political agenda ng iba. –VC

Related Articles

National

Christopher Lloyd Caliwan, Philippine News Agency

166
Views

National

Jose Cielito Reganit, Philippine News Agency

204
Views

National

Hecyl Brojan

111
Views