Mananatiling tapat, propesyunal, at non-partisan ang Hukbong Sandatahan ng Pilipinas (AFP) sa kabila ng “garapalang panawagan” ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na maglunsad ng kudeta laban sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ayon kay AFP Sergeant Major FCMS Feliciano M. Lazo, maraming hindi magandang karanasan ang mga sundalo sa paggamit sa kanila para sa pulitika, na nagdulot ng negatibong epekto sa kanilang tungkulin at mga pamilya.
“Hindi na yan sasama, hindi na nila ma-eenganyo para sumama sa kanilang personal na adhikain,” sagot ni Lazo.
Nanawagan pa si Lazo na huwag idawit o gawing kasangkapan ang mga kasundaluhan para sa mga pulitikal na layunin.
Tiniyak ng AFP na patuloy silang nakatuon sa pangunahing misyon na protektahan ang bansang Pilipinas at mga mamamayan nito bilang pagpapakita ng kanilang dedikasyon sa trabaho at integridad sa gitna ng mga banta sa katatagan ng gobyerno.