IBCTV13
www.ibctv13.com

Agarang aksyon para sa ASEAN-China COC, mabigat na panawagan ni PBBM para sa kapayapaan sa WPS

Divine Paguntalan
225
Views

[post_view_count]

President Ferdinand Marcos Jr. during the 27th ASEAN-China Summit on October 10, 2024. (Photo by PCO)

Sa kanyang talumpati sa 27th ASEAN-China Summit sa Laos, muling iginiit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pangangailangan ng agarang aksyon sa pagbuo ng ASEAN-China Code of Conduct (COC).

Nanawagan ang Pangulo sa mga bansang kasapi ng ASEAN na pabilisin ang pagbuo ng COC kasunod ng patuloy na agresyon at panggigipit ng China sa katubigang nasasakupan ng Pilipinas.

“In our view, there should be more urgency in the pace of the negotiations of the ASEAN-China Code of Conduct (COC). It is time that we tackle these milestone issues directly so we can make substantive progress moving forward,” mensahe ng Pangulo.

Bagaman may mga ‘positive development’ sa relasyon ng Pilipinas sa China, binigyang-diin niya sa harap ng mga kapwa lider kung paanong nananatili pa rin ang tensyon sa West Philippine Sea dahil sa nagpapatuloy na pangha-harass ng China Coast Guard (CCG) sa mga mangingisda at iba pang sasakyang pandagat ng Pilipinas.

“We continue to be subjected to harassment and intimidation. Parties must be earnestly open to seriously managing the differences and to reduce tensions,” dagdag niya.

Sa huli, tiniyak ni Pangulong Marcos Jr. ang hindi matitinag na commitment ng Pilipinas sa pagpapaigting ng ASEAN-China relations upang mapanatili ang kapayapaan at kaunlaran sa rehiyon. — VC