Nangako si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na agad itatayo at aayusin ng pamahaalan ang mga nasirang bahay dahil sa pananalasa ng bagyong Marce sa probinsya ng Cagayan.
“Ngayon dito sa Cagayan, ang dapat talaga nating tingnan ay ang reconstruction dahil ‘yung sa public infrastructure, okay naman, not so bad. Pero ‘yung mga private na tirahan, ‘yun na nga, nasira. Kaya’t ‘yun ang tututukan natin,” saad ng Pangulo.
Binigyang-diin ni Pangulong Marcos Jr. na ‘whole-of-government approach’ ang ginagawang pagtulong ng gobyerno dahil hindi ito kayang isakatuparan lahat ng iisang ahensya lang.
“Ibig sabihin, lahat ng iba’t ibang departamento kahit papaano ay makakadala ng tulong at makakatulong para mabigyan ng relief, para ma-rescue ang ating mga tauhan, para mabigyan ng relief,” ani Pangulong Marcos Jr.
Tiniyak ng punong ehekutibo na hindi pababayaan ng kanyang administrasyon ang mga biktima ng bagyo sa Cagayan hanggang sa muling pagbangon ng mga ito. -VC