IBCTV13
www.ibctv13.com

Alice Guo, muling tatakbo bilang mayor ng Bamban, Tarlac – legal counsel

Alyssa Luciano
252
Views

[post_view_count]

PNP-PIO released Alice Guo’s mugshot following successful return to the Philippines on September 6. (Photo by DILG)

Nakatakdang maghain ng certificate of candidacy (COC) sa susunod na linggo si dismissed Bamban, Tarlac mayor Alice Guo para muling tumakbo bilang alkalde ng bayan sa darating na 2025 midterm elections ayon sa kanyang legal counsel na si Stephen David.

Kumpiyansa si Guo na mananalo siya dahil sa dami nang nag-uudyok na bumalik siya sa serbisyo ayon pa kay Atty. David.

Binigyang-diin ni David na sakaling manalo sa eleksyon ang umano’y Chinese spy, magiging indikasyon ito sa tiwala ng mga mamamayan ng Bamban, Tarlac para sa dating alkalde.

“Marami rin naman siyang nagawang mabuti sa bayan ng Bamban. Marami pa ring nagmamahal sa kanya,” paliwanag ni David.

Samantala, nanindigan si David na alegasyon lamang ang mga umano’y paratang laban kay Guo kaugnay sa kanyang pagkakakilanlan.

“In fact nasa court lahat ‘yan eh. Wala pa namang decision on that,” dagdag niya.

Muling dadalo sa pagdinig ng senado si Guo sa darating na Martes, Oktubre 8 para sa imbestigasyon ng umano’y kaugnayan niya sa iligal na operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) sa Bamban, Tarlac pati ang kanyang tunay na pagkakakilanlan. – VC

Related Articles

National

Divine Paguntalan

61
Views

National

66
Views

National

105
Views