IBCTV13
www.ibctv13.com

Alice Guo, nakitaan ng suspected lung infection

Alyssa Luciano
266
Views

[post_view_count]

PNP-PIO released Alice Guo’s mugshot following successful return to the Philippines on September 6. (Photo by Department of the Interior and Local Government)

Hinihinalang dumaranas ng lung infection ang dismissed mayor ng Bamban, Tarlac na si Guo Hua Ping o Alice Guo matapos nitong sumalang sa medical process bago ilipat patungong Pasig City Jail ngayong Lunes, Setyembre 23.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) spokesperson PCol. Jean Fajardo, hanggang ngayon ay nakararanas ng ubo at sipon ang dating alkalde.

Dahil dito, kinakailangan munang dumaan ni Guo sa sputum test kung saan malalaman kung mayroon ba itong tuberculosis. Inaasahan naman na lalabas din ang resulta nito ngayong araw.

Sa oras na mag-negatibo ang resulta mula sa naturang test, agad na ililipat si Guo sa selda kung saan makakasama niya ang 44 mga preso.

9:33 a.m. nang mailipat ang dating alkalde sa kustodiya ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa Pasig City Jail mula sa PNP Custodial Center.

Matatandaang sinampahan ng kasong qualified human trafficking si Guo ng Pasig City Regional Trial Court (RTC) kung saan ito ay ‘non-bailable’ na inihain laban sa kanya ng Department of Justice (DOJ).

Samantala, nakapagpiyansa naman ito sa dalawang count ng kasong graft na isinampa sa kanya ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ukol sa pagkakasangkot nito sa Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) sa Bamban kung saan umabot sa P540,000 ang piyansa sa Valenzuela City RTC Branch 282.

Related Articles

National

Divine Paguntalan

105
Views

National

133
Views

National

215
Views