IBCTV13
www.ibctv13.com

Amihan, patuloy na umiiral sa Extreme Northern Luzon – PAGASA

Ivy Padilla
72
Views

[post_view_count]

A cold afternoon in Basco, Batanes (Photo by Radyo Pilipinas Batanes)
Patuloy ang pag-ihip ng Northeast Monsoon o malamig na hanging Amihan sa Extreme Northern Luzon ngayong Sabado, Nobyembre 23, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Nakakaapekto naman ang Easterlies o mainit na hangin na nanggagaling sa Karagatang Pasipiko sa Northern at Eastern Mindanao at Eastern Visayas.

Asahan ang maaliwalas na panahon sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa maliban na lamang sa biglaan at panandaliang buhos ng ulan lalo na sa hapon o gabi.

As of 4:00 a.m., walang namamataang low pressure area (LPA) o tropical cyclones ang PAGASA sa loob at labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Gayunpaman, hinihikayat ang publiko na maging handa sa posibleng pagbabago sa lagay ng panahon.

Related Articles

National

Ivy Padilla

68
Views

National

107
Views