Patuloy ang pag-ihip ng Northeast Monsoon o malamig na Amihan sa Extreme Northern Luzon na magdudulot ng maulap na kalangitan at pag-ulan lalo na sa Batanes at Cagayan ngayong Linggo, Nobyembre 24.
Naakakaapekto naman ang Intertropical Convergence Zone (ITCZ) o ang pagsasalubong ng hangin mula sa Northern at Southern Hemisphere sa Mindanao na magdadala ng mataas na tsansa ng pag-ulan, pagkidlat at pagkulog partikular na sa silangang bahagi ng rehiyon.
Hinihikayat ang publiko na mag-ingat sa posibilidad ng pagbaha at pagguho ng lupa.
Samantala, asahan ang kalat-kalat na pag-ulan sa natitirang bahagi ng bansa tulad ng Metro Manila dahil naman sa Localized Thunderstorm.
As of 4:00 a.m., walang namamataang low pressure area (LPA) o tropical cyclone ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na maaaring makaapekto sa bansa.