IBCTV13
www.ibctv13.com

Apat na phreatic eruption, naitala sa Taal Volcano

Ivy Padilla
440
Views

[post_view_count]

Photo of the phreatic event from Taal Volcano on September 26. (Photo by Phivolcs/File)

Umabot sa apat (4) na ‘phreatic eruption’ ang naranasan ng bulkang Taal na tumagal ng mula isa hanggang anim na minuto, batay sa 24 oras na pagmamanman ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).

Nakapagtala rin ito ng dalawang (2) volcanic earthquakes kabilang na ang isang volcanic tremor na may tagal na pitong minuto.

Aabot naman sa 3,276 toneladang asupre ang inilabas ng bulkan na may kasamang ‘upwelling’ ng mainit na volcanic fluids sa Main Crater Lake.

Bukod dito, nakitaan din ang Taal ng pagsingaw na may 1,200 metrong taas ng abo na napadpad sa direksyong timog-kanluran.

Nitong Miyerkules, Oktubre 2, naitala sa naturang bulkan ang isang ‘phreatomagmatic eruption’ na nagtagal ng 11 minuto na sinundan ng ilan pang phreatic eruption sa mga nakalipas na araw.

Sa kabila ng sunud-sunod nitong pag-aalburoto, nananatili pa rin sa Alert Level 1 ang bulkang Taal.

Related Articles

National

Office of Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez

108
Views

National

Divine Paguntalan

93
Views