IBCTV13
www.ibctv13.com

Aplikasyon ng ‘special permit’ ng PUVs para sa holiday rush, bubuksan na sa Disyembre 15 – LTFRB

Ivy Padilla
214
Views

[post_view_count]

Photo by JM Pineda, IBC News

Sisimulan na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pagtanggap ng aplikasyon para sa mga special permit ng public utility vehicles (PUVs) sa darating na Disyembre 15. 

Ito’y bilang paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mga komyuter sa loob at labas ng Metro Manila ngayong nalalapit na Kapaskuhan. 

Ayon kay LTFRB Chairperson Atty. Teofilo Guadiz III, valid ang nasabing special permit mula Disyembre 20, 2024 hanggang Enero 4, 2025.

“Like the usual practice, we are opening slots for special permits to ensure that there are ample PUVs that would cater to our riding public during the holidays,”  saad ni Guadiz. 

Dagdag pa nito, nasa 5,000 slots ang inaprubahan ng ahensya para sa Transport Network Vehicle Services (TNVS). 

“Iyong special permits ng TNVS, it opened last week, we have given 5,000 new units for the TNVS,” saad ng LTFRB head. 

Ngayon pa lang ay nagpaalala na si Guadiz sa publiko na planuhin nang mabuti ang mga personal na lakad at maging mapagmatyag upang matiyak ang ligtas at maayos na biyahe. 

“Please patronize legitimate public transportation, follow safety protocols, and report any overcharging, overloading, or other violations through our official hotlines and channels,” ani Guadiz.

Related Articles