
Inaprubahan sa Senado na nag-convene bilang impeachment court ang mosyon na ibalik sa House of Representatives ang articles of impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.
Ang mosyon ay ipinanukala ni Senator-Judge Alan Peter Cayetano na nakakuha ng botong 18 affirmative, 5 negative, at 0 abstentions.
Kabilang sa mga sumang-ayon sa pagbabalik ng articles of impeachment ang mga sumusunod na senador:
- Cayetano, Alan Peter
- Cayetano, Pia
- Dela Rosa, Ronald
- Estrada, Jinggoy
- Escudero, Chiz
- Ejercito, JV
- Go, Bong
- Lapid, Lito
- Legarda, Loren
- Marcos, Imee
- Padilla, Robin
- Revilla, Bong
- Tulfo, Raffy
- Tolentino, Francis
- Villanueva, Joel
- Villar, Cynthia
- Villar, Mark
- Zubiri, Juan Miguel
Samantala, hindi naman sang-ayon sa nasabing mosyon ang limang senador na kinabibilangan nina:
- Binay, Nancy
- Gatchalian, Win
- Hontiveros, Risa
- Pimentel, Koko
- Poe, Grace
Nilinaw naman ni Senate President Chiz Escudero na hindi ito nangangahulugan na dismissed o terminated na ang kaso dahil nais lang aniya na matiyak na walang nilabag na batas nang inihain ito sa Senado.
Saklaw sa kondisyong nakapaloob sa mosyon ang pagsusumite ng Kamara ng sertipikasyong hindi nila nilabag ang Konstitusyon, partikular na ang one-year ban sa paghahain ng impeachment complaints laban sa isang public official.
Pinatitiyak din sa Mababang Kapulungan, sa ilalim ng 20th Congress, ang komunikasyon nito sa Senado na itutuloy nila ang impeachment proceedings. – AL