IBCTV13
www.ibctv13.com

Bagong agri grads, makatutulong sa pagpapalakas ng ‘agricultural productivity’ ng Pilipinas – PBBM

Divine Paguntalan
85
Views

[post_view_count]

President Ferdinand Marcos Jr. led the meeting with the Private Sector Advisory Council-Agriculture Sector Group (PSAC-ASG) about agricultural production in the Philippines. (Photo by PCO)

Malaki ang tiwala ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na mapapalakas pa ang ‘agricultural productivity’ ng Pilipinas sa tulong ng mga bagong nagtapos sa kursong agrikultura mula sa State Universities and Colleges (SUCs) sa bansa.

Ayon kay Pangulong Marcos Jr., matututukan ng mga magsasaka ang pagpapalago ng mga punla at iba pang pananim sa tulong agricultural graduates at kasalukuyang nag-aaral pa lamang sa kursong ito.

“The farmers can take care of the actual growing of seedlings. These new agronomists, agriculturists can be [the] ones doing seed production,” paliwanag ng Pangulo.

Binigyang-diin ni PBBM na malaking bagay kung pagtutuunan ng pansin ng mga bagong agrikultor ang research and development kung kaya kailangan din na mapaunlad pa ang mga agricultural school sa bansa.

“Let’s not lead the growing anymore to the SUCs. They shouldn’t be in crop production. They should be in research and development. I think that’s the way that we can structure it,” dagdag pa nito.

Sa tala ng Commission on Higher Education (CHED), nasa 70 SUCs ang mayroong programa para sa agrikultura: 15 dito ang may pasilidad para sa produksyon ng niyog habang ang iba naman ay mayroong mga lupaing magagamit para sa seedling production alinsunod sa Department of Agriculture (DA).

Nagbigay naman ng direktiba si Pangulong Marcos Jr. sa concerned government agencies na tulungan ang SUCs sa pamamagitan ng contract farming upang masiguro na ‘market-ready’ ang kanilang produce at mapakinabangan ito ng mga paaralan. – AL

Related Articles

National

Divine Paguntalan

48
Views

National

85
Views