IBCTV13
www.ibctv13.com

Bagong BI Commissioner, tututukan ang pagsulong sa new immigration law

Ivy Padilla
343
Views

[post_view_count]

The Bureau of Immigration (BI) officially welcomed Atty. Joel Anthony M. Viado as its new Commissioner on Tuesday, October 1. (Photo by BI)

Malugod na tinanggap ng Bureau of Immigration (BI) si Atty. Joel Anthony M. Viado bilang bagong Commissioner ng ahensya nitong Martes, Oktubre 1.

Unang itinalaga si Viado bilang officer-in-charge ng BI noong nakaraang buwan matapos sibakin sa pwesto si dating Commissioner Norman Tansingco.

Bilang isang abogado, suportado ni Viado ang pagpasa sa new immigration law na layong palitan ang 84-year-old na Philippine Immigration Act na aniya’y luma at ‘outdated’ na.

“The Bureau is fully supportive of the President’s initiative to prioritize a new immigration law, which will enhance our operations and allow us to serve the public more effectively,” saad ni Viado.

Bukod dito, binigyang-diin din ng bagong Commissioner ang kahalagahan ng paglaban sa katiwalian sa loob ng ahensya sa pamamagitan ng ‘automation of key processes’ kung saan isa aniya ang ‘digital system’ sa pangunahing prayoridad sa ilalim ng kanyang pamumuno.

“We will take advantage of the aggressive thrust of the national government in terms of ICT,” paglilinaw ni Viado.

Sa kanyang tuluyang pag-upo, inilahad ni Viado na magsasagawa siya ng komprehensibong pagsusuri sa mga umiiral na batas at patakaran sa ahensya upang matukoy ang mga hindi na epektibo at dapat nang alisin. – AL

Related Articles