IBCTV13
www.ibctv13.com

Bagong expressway sa Nueva Ecija, binuksan ni PBBM; toll free hanggang Disyembre

Khengie Hallig
134
Views

[post_view_count]

President Ferdinand R. Marcos Jr. led the inauguration of the Central Luzon Link Expressway (CLLEX) Contract Package 4 in Nueva Ecija on Tuesday, March 31. (Photo from PCO)

Mas mabilis na biyahe at mas murang konsumo sa langis ang dulot ng pinasinayaang Central Luzon Link Expressway (CLLEX) Contract Package 4 ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na nagdurugtong sa Tarlac City at Cabanatuan City.

Ang binuksang bahagi ng CLLEX na aabot mula sa San Juan Interchange sa Aliaga, Nueva Ecija hanggang Cabanatuan exit ang kumumpleto sa 29.2-kilometer four lane expressway ng Phase 1 ng proyekto at inaasahang pakikinabangan ng tinatayang 11,500 na motorista kada araw.

Sa pamamagitan ng bagong kalsada, kaya nang gawing 20 minuto ang dating isa’t kalahating oras na biyahe sa pagitan ng dalawang probinsiya.

“Malaking bagay ito dahil unang-una, alam naman natin ngayon na ang inaalala natin ang konsumo ng krudo, ng gasolina ay sa bawas ng tagal ng biyahe ay mababawasan din ang konsumo sa fuel,” saad ng Pangulo.

Sinabi rin ng Pangulo na mapapanatili nang mababa ang presyo ng bigas at ng iba pang pangunahing produkto dahil sa mas mababang transport cost.

Ito ay bahagi ng P10 bilyong halaga ng proyektong pinondohan sa pamamagitan ng official development assistance mula sa Japan International Cooperation Agency (JICA).

Samantala, inanunsyo ng punong ehekutibo na libre ang toll fee sa nasabing expressway hanggang Disyembre 2026.

Sa oras na matapos ang lahat ng segment ng CLLEX, inaasahang luluwag ang mga pangunahing kalsada sa bansa tulad ng MacArthur Highway at mas mabilis na ang pagpunta ng mga kababayan sa iba’t ibang rehiyon sa bansa. – VC

Related Articles