IBCTV13
www.ibctv13.com

Bagong LPA, nabuo sa loob ng PAR; mababa ang tsansa maging bagyo

Ivy Padilla
153
Views

[post_view_count]

Tropical Storm “WUTIP” (06a) is being monitored outside the Philippine Area of Responsibility (PAR). Meanwhile, another Low Pressure Area (LPA 06b) is being monitored inside the PAR and also has a low chance of developing into a Tropical Depression within the next 24 hours. (Photo by PAGASA)

Isa nang ganap na low pressure area (LPA 06b) ang kumpol ng kaulapan na binabantayan ng Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA) sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ngayong Miyerkules, Hunyo 11.

As of 8:00 a.m., huling namataan ang LPA sa layong 585 km mula sa silangan ng Infanta, Quezon na may mababang tsansa na maging Tropical Depression sa loob ng 24 oras.

Kasabay nito, lumakas din bilang Tropical Storm (TS) ang sama ng panahon sa labas ng PAR sa may West Philippine Sea (WPS) na binigyan ng international name na Wutip.

Patuloy na palalakasin ng nasabing bagyo ang Southwest Monsoon o Habagat na magdadala ng pag-ulan sa kanlurang bahagi ng bansa kabilang na ang Metro Manila.

Hinihikayat ang publiko na maging handa at alerto sa posibleng pagbabago sa lagay ng panahon. – AL