IBCTV13
www.ibctv13.com

Bagong maximum-security facility, itatayo para sa mga high-value detainee na sangkot sa iligal na droga

Alyssa Luciano
80
Views

[post_view_count]

President Ferdinand R. Marcos Jr. met with the DILG, DOJ, PDEA and PNP to strengthen the fight against illegal drugs yesterday afternoon. (Photo by PCO)

Isang bagong maximum-security facility ang planong itayo para lang sa high-value detainee na umano’y sangkot sa iligal na droga ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Juanito Victor Remulla.

Nitong Lunes, nagkaroon ng pagpupulong si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kasama ang DILG at iba pang law enforcement agencies upang pagplanuhan ang pagbuo ng isang maximum-security facility kung saan ikukulong ang mga preso na sangkot sa iligal na droga.

Nasa 200 mga high-value detainee mula sa Muntinlupa City ang nakatakdang ilipat sa itatayong maximum-security facility nang maputol na ang ‘drug trade communication’ sa loob ng mga bilangguan.

Kasunod ito ng isinagawang raid sa NBP kung saan nakumpiska sa ilang mga preso ang mga cell phone pati na iligal na droga.

Malaking bahagi din sa pagbuo nito ang pagtukoy nina Justice Secretary Crispin Remulla, Philippine National Police (PNP) chief Gen. Rommel Francisco Marbil, at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) director general Virgilio Lazo na ang Muntinlupa jail pa rin ang nagsisilbi bilang ‘number one source’ ng drug trade sa bansa.

Ayon kay Remulla, batid ni Pangulong Marcos Jr. ang isyu kaya naman agad itong nagbaba ng direktiba sa DILG, DOJ, PDEA, at PNP upang palakasin pa ang pagtutulungan ng administrasyon laban sa ipinagbabawal na droga.

“I think the operations (of the maximum security facility) will start pretty soon. And we should see a marked difference in the war against drugs in the Philippines,” paliwanag ni Remulla.

Hindi naman isinapubliko ni Sec. Remulla kung saan itatayo ang naturang maximum-security facility. – VC