Isa nang ganap na Super Typhoon ang bagyong Julian, batay sa 5:00 a.m. weather advisory ng Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Martes, Oktubre 1.
Huli itong namataan sa layong 205 km mula sa kanluran ng Itbayat, Batanes at kumikilos ng mabagal patungong west northwest.
Taglay ng Super Typhoon Julian ang lakas ng hangin na 185 km/h at pagbugsong may bilis na 230 km/h.
Nakataas pa rin sa Tropical Cyclone Warning Signal (TCWS) Number 1 at 2 ang ilang bahagi ng Northern Luzon.
May gale warning naman ang ahensya sa mga karagatan ng Northern Luzon upang pagbawalan ang mga mangingisda na pumalaot.
Ayon sa PAGASA, posible pang lumakas ang epekto ng Super Typhoon Julian sa susunod na 24 na oras.
Huwebes ng tanghali o gabi, Oktubre 3 inaasahang lalabas ng Philippine area of responsibility (PAR) ang ST upang magtungo ng Taiwan.