IBCTV13
www.ibctv13.com

Bagyong Julian, muling pumasok sa PAR

Alyssa Luciano
796
Views

[post_view_count]

Satellite image of typhoon Julian as of 8:00 a.m. (Photo by PAGASA)

Bumalik sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Typhoon Julian bandang 8:00 a.m. ngayong Huwebes, Oktubre 3, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Bago muling pasukin ang PAR, nakaranas na ng malalakas na pag-ulan at hangin ang Taiwan dahil sa Julian. Inaasahang tuluyang mag-landfall sa Taiwan ang bagyo bandang tanghali o gabi.

Gayunpaman, nananatili sa Tropical Cyclone Warning Signal (TCWS) No. 1 ang Batanes, batay sa pinakahuling weather bulletin ng PAGASA as of 5:00 a.m.
Matatandaang ilang araw na nagdala ng pag-ulan na may kasamang malalakas na hangin ang Julian sa bansa partikular na sa hilagang bahagi ng Pilipinas kung saan umabot sa TCWS No. 4 ang itinaas ng PAGASA sa ilang lugar sa Northern Luzon.

Ngayong Huwebes ng hapon o gabi o ‘di kaya’y bukas ng umaga o tanghali, Oktubre 4 ganap na lalabas ng PAR ang bagyong Julian.

Related Articles