Nagbabadyang tumama sa kalupaan ng northeastern portion ng Cagayan ang Tropical Depression Kristine na inaasahang lalakas pa bilang isang Typhoon sa darating na Biyernes, Oktubre 25.
Sa pinakahuling weather forecast ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) kaninang 11:00 a.m., huling namataan ang Tropical Depression Kristine sa layong 870 kilometro mula sa silangan ng Eastern Visayas.
Taglay nito ang hanging may lakas na 55 kilometer per hour at pagbugsong aabot sa 70 km/h habang kumikilos patungong West Southwest sa bilis na 30 km/h.
Nadagdagan naman ang mga lugar na may nakataas na Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) Warning No. 1 sa Luzon at Visayas kasama na ang Mindanao dahil sa hangin at pag-ulang dala ng bagyo.
Hindi naman inaalis ng PAGASA ang posibilidad na umabot sa Signal No. 4 ang TCWS sa mga lugar sa bansa lalo na sa mga direktang daraanan ng bagyo. – VC