IBCTV13
www.ibctv13.com

Bagyong Leon, isa nang Super Typhoon

Alyssa Luciano
1212
Views

[post_view_count]

Satellite image of Super Typhoon Leon as of 11:00 a.m. this Wednesday, October 30. (Photo by PAGASA)

Itinaas pa sa pinakamalakas na kategorya o Super Typhoon ang bagyong Leon na patuloy na nagbabanta sa hilagang bahagi ng Luzon ngayong Miyerkules, Oktubre 30.

Huli itong namataan sa layong 350 kilometro mula sa silangan ng Calayan, Cagayan taglay ang lakas ng hangin na 185 kilometer per hour (km/h) at pagbugsong aabot naman sa 230 km/h.

Kumikilos ito sa direksyong West Northwest sa bilis na 10 km/h.

Narito ang mga lugar sa bansa na isinailalim sa Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) No. 3, 2, at 1 bunsod ng posibleng epekto ng bagyong Leon.

Posible namang itaas ang TCWS No. 4 sa Batanes ngayong hapon habang hindi rin inaalis ang posibilidad na mag-landfall ito sa probinsya.

May tyansa na umabot pa sa Wind Signal No. 5 ang itataas kung sakaling kumilos patungong kanan ang bagyo mula sa forecast track nito.

Nakataas na rin ang Gale Warning sa mga seaboard ng Northern Luzon pati na ang eastern seaboard ng Central at Southern Luzon.

Inaasahan na lalabas ng Philippine area of responsibility (PAR) ang STY Leon bukas ng gabi, Oktubre 31 o sa darating na Biyernes ng umaga, Nobyembre 1. – VC

Related Articles