Bahagya pang lumakas ang Severe Tropical Storm Leon kung saan maaari itong itaas sa Typhoon category sa susunod na 12 oras habang may posibilidad na umabot pa sa Super Typhoon category, batay sa 5:00 a.m. weather forecast ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).
Huli itong namataan sa layong 640 km silangan ng Tuguegarao City, Cagayan taglay ang lakas ng hangin malapit sa gitna na 110 km/h at pagbugso na umaabot sa 135 km/h habang kumikilos sa direksyong west northwestward sa bilis na 10 km/h.
Hindi rin inaalis ng PAGASA ang posibilidad na mag landfall o magkaroon ng ‘close approach’ ang bagyong Leon sa Batanes.
Bagaman nasa katubigan pa ang bagyo, nakakaapekto na ang rainbands nito sa ilang bahagi ng Luzon, Bicol Region at Eastern Visayas.
Narito ang mga lugar sa bansa kung saan nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) No. 1:
Inaasahan namang lalabas sa Philippine area of responsibility (PAR) ang STS Leon sa Huwebes ng gabi o Biyernes ng madaling araw. – VC