IBCTV13
www.ibctv13.com

Bagyong Marce, pumasok na sa PAR; posibleng maging Severe Tropical Storm bukas

Alyssa Luciano
2186
Views

[post_view_count]

Satellite image of Tropical Storm Marce as of 2:50 a.m. (Photo by PAGASA)

Nakapasok na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyong binabantayan ng Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA) na pinangalanan bilang bagyong Marce at mas lumakas pa bilang isang Tropical Storm as of 2:00 a.m. ngayong Lunes, Nobyembre 4.

Huli itong namataan sa layong 935 kilometro mula sa Silangan ng Eastern Visayas taglay ang hangin na may lakas na 65 kilometer per hour (km/h) at pagbugsong 80 km/h na kumikilos sa direksyong West Northwest sa bilis na 25 km/h.

Ayon sa PAGASA, posible pang lumakas ang bagyong ito bilang isang Severe Tropical Storm (STS) bukas ng umaga o tanghali na mas lalakas pa sa kategoryang Typhoon pagdating ng gabi o sa Miyerkules ng madaling araw.

Dahil dito, posibleng itaas ang Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) No. 1 sa ilang mga bahagi ng Cagayan bukas, habang hindi naman inaalis ang posibilidad na umabot sa Signal No. 4 ang pinakamataas na Wind Signal na dala nito.

Magdadala naman ng bahagyang maulap hanggang maulap na kalangitan na may kasamang pulu-pulong pag-ulan ang trough o buntot ng bagyong Marce sa bahagi ng Eastern Visayas, Bicol Region, Aurora, Quezon, at iba pang bahagi ng Cagayan Valley ngayong araw.

Northeasterly Windflow naman ang magdadala ng bahagyang maulap hanggang maulap na kalangitan na may kasamang pulu-pulong mahihinang pag-ulan sa Batanes at Babuyan Islands.

Bahagyang maulap na kalangitan at pabugsu-bugsong pag-ulan din ang dala ng localized thunderstorms sa Metro Manila at iba pang bahagi ng bansa.

Related Articles