IBCTV13
www.ibctv13.com

Bagyong Nika, itinaas na sa Tropical Storm category ngayong hapon

Ivy Padilla
615
Views

[post_view_count]

Satellite image of Tropical Storm Nika as of 4:40 p.m. today, November 9. (Photo by PAGASA)

Lumakas pa bilang isang Tropical Storm ang bagyong Nika na huling namataan sa layong 1,005 kilometro silangan ng Southeastern Luzon, batay sa 5:00 p.m. forecast ng Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Sabado, Nobyembre 9.

Taglay ng bagyo ang lakas ng hangin malapit sa gitna na 65 km/h at pagbugso na umaabot hanggang 80 km/h.

Itinaas na ng PAGASA ang Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) No. 1 sa ilang bahagi ng Luzon.

Patuloy na kikilos si Tropical Storm Nika sa direksyong west northwestward.

Inaasahang lalakas pa ito sa Severe Tropical Storm category bago mag-lanfall o tumama sa kalupaan ng Aurora o Isabela pagsapit ng Lunes ng hapon o gabi, Nobyembre 11.

Related Articles