Isa nang ganap na Tropical Depression Nika ang low pressure area (LPA) na pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) kaninang madaling araw, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA).
As of 10:00 a.m. ngayong Sabado, Nobyembre 9, huling namataan ang bagyo sa layong 1,145 kilometro silangan ng Southeastern Luzon.
Taglay nito ang lakas ng hangin malapit sa gitna na 55 km/h at pagbugso na umaabot hanggang 70 km/h.
Itinaas na ang Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) No. 1 sa probinsya ng Catanduanes dahil sa Tropical Depression Nika.
Posibleng mag-landfall o tumama sa kalupaan ng Aurora o
Isabela ang nasabing bagyo sa Lunes, Nobyembre 11 kung saan inaasahang lalakas ito bilang severe tropical storm category.
Hinihikayat ang publiko na umantabay sa lagay ng panahon.