IBCTV13
www.ibctv13.com

Bagyong Ofel, isa nang Super Typhoon; TS Man-Yi, posibleng pumasok sa PAR ngayong araw

Ivy Padilla
1176
Views

[post_view_count]

Satellite image of Typhoon Ofel as of 7:40 a.m. today, November 14. (Photo by PAGASA)

Lumakas pa bilang isang Super Typhoon ang bagyong Ofel habang sumasailalim sa ‘rapid intensification’ batay sa 8:00 a.m. weather bulletin ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Huwebes, Nobyembre 14.

Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 165 km East Northeast ng Echague, Isabela o 165 km East Southeast ng Tuguegarao City, Cagayan taglay ang lakas ng hangin malapit sa gitna na 185 km/h at pagbugsong umaabot hanggang 230 km/h.

Itinaas na ng PAGASA ang Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) No. 5 sa ilang bahagi ng Mainland Cagayan habang nakasailalim naman sa Signal No. 4, 3, 2, 1 ang malaking lugar sa Luzon.


Patuloy na kikilos ang bagyo sa direksyong northwestward sa Philippine Sea bago mag-landfall sa eastern coast ng Cagayan o northern Isabela mamayang hapon.

Pagsapit naman ng gabi, dadaan ang Super Typhoon Ofel sa Babuyan Channel kung saan magaganap ang posibleng panibagong landfall o paglapit nito sa Babuyan Island.

Samantala, binabantayan din ng weather bureau ang Tropical Storm Man-Yi sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) na huling namataan sa layong 1,525 km silangan ng Eastern Visayas bandang 2:00 ng umaga.

Inaasahang papasok ang TS Man-Yi sa PAR ngayong araw at tatawaging bagyong Pepito.

Hinihikayat naman ng PAGASA ang publiko na maging alerto sa lagay ng panahon. – AL

Related Articles