IBCTV13
www.ibctv13.com

Bagyong Ofel, posibleng mag-landfall sa Cagayan o Isabela bukas; TCWS No. 2, itinaas na sa ilang lugar

Alyssa Luciano
9450
Views

[post_view_count]

Satellite image of Typhoon Ofel as of 10:40 a.m. on Wednesday, November 13. (Photo by PAGASA)

Mas lumakas pa sa kategoryang ‘Typhoon’ ang bagyong Ofel na inaasahang tatama sa eastern coast ng Cagayan o Isabela ngayong darating na Huwebes ng hapon, Nobyembre 14.

Batay sa 11:00 a.m. weather bulletin ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), huling namataan ang Typhoon Ofel sa layong 485 kilometers (km) mula sa East Northeast ng Daet, Camarines Norte habang kumikilos sa direksyong West Northwest sa bilis na 20 kilometer per hour (km/h).

Taglay ng bagyo ang hanging may lakas na 120 km/h malapit sa gitna at pagbugsong umaabot sa 150 km/h.

Dahil dito ay itinaas na ang Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) No. 2 sa ilang bahagi ng bansa partikular na sa Cagayan at Isabela habang TCWS No. 1 naman sa ilan pang bahagi ng Northern Luzon.

Hindi naman inaalis ng PAGASA ang posibilidad na magtaas ng Wind Signal No. 4 kung sakaling lumakas pa ang bagyong Ofel.

Kasabay nito ay nag-abiso na ang weather bureau sa publiko lalo na ang mga nakatira sa ‘high susceptible area’ na sumunod sa kani-kanilang mga local official at lumikas na kung kinakailangan.

Nagbabala rin ang PAGASA para sa ‘moderate to high risk’ na storm surge na posibleng umabot sa 1.0 hanggang 3.0 meters sa susunod na 48 oras lalo na sa mga ‘low-lying’ o mabababang mga komunidad sa Batanes, Ilocos Norte, Ilocos Sur, Cagayan kabilang ang Babuyan Islands, Isabela, at hilagang bahagi ng Aurora.

Inaasahan naman na patuloy pang lalakas ang bagyo sa susunod na 24 oras at posibleng umabot na sa ‘peak intensity’ kasabay ng pagtama nito sa lupa. -VC

Related Articles