IBCTV13
www.ibctv13.com

Bagyong Ofel, posibleng magdulot ng flash flood, pagguho ng lupa sa Northern Luzon

Alyssa Luciano
773
Views

[post_view_count]

Tuguegarao City, Cagayan was submerged in flood due to the combined effects of former STS Kristine to Nika. (Photo by Cagayan PIO)

Maagang nagbigay ng babala ang Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA) para sa posibleng maging epekto ng Tropical Storm Ofel sa bansa kung saan maaaring makaranas ng flash flood at landslide ang Northern Luzon.

Sa isang press briefing, nagpaalala si PAGASA Weather Services Chief Cris Perez partikular na sa mga residenteng apektado ng bagyong Nika na manatiling alerto mula sa epekto at paghandaan na ang paparating na Tropical Storm.

Ayon kay Perez, mabigat ang ibinagsak na ulan ng nagdaang bagyong Nika sa Northern Luzon, kaya naman mataas ang tsansa na makaranas ng flash flood at landslide ang rehiyon.

“Sa mga kababayan natin sa Northern Luzon, kung nag-uulan na during the last few days, medyo saturated na mga kalupaan. Mas malaki ang tsansa na magkaroon ng flashfloods and landslides sa mga darating na araw dahil andito pa ‘yung epekto ng bagyong si Nika and then paparating na bagyong Ofel,” paliwanag pa nito.

Inaasahang magla-landfall sa rehiyon ang bagyong Ofel sa Huwebes, Nobyembre 14.

As of 11:00 a.m. ay nasa layong 1,170 kilometro na ang Tropical Storm Ofel mula sa silangan ng Southeastern Luzon na mabilis na kumikilos sa takbong 35 kilometer per hour (km/h) taglay ang lakas ng hangin malapit sa gitna na 85 km/h at pagbugso na umaabot sa 105 km/h.

Samantala, inaasahan naman na lalabas na ng PAR ang Severe Tropical Storm (STS) Nika ngayong hapon. – VC

Related Articles

National

Ivy Padilla

48
Views

National

Ivy Padilla

55
Views

National

Office of Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez

109
Views