Inihayag ni National Security Council (NSC) Adviser Eduardo Año na itinuturing ng konseho ang anumang pananakot sa buhay ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. bilang isang seryosong banta sa pambansang seguridad.
“Any threats against the life of the President shall be validated and considered a matter of national security,” saad ni Año.
Tiniyak ni Año ang mahigpit na koordinasyon ng NSC sa iba pang law enforcement agencies upang matukoy ang motibo sa pagbabanta.
“We shall do our utmost in defense of our democratic institutions and processes which the President presents,” ani Año.
Nananawagan si Año sa publiko na manatiling kalmado kasunod ng pagtitiyak na ginagawa ng mga awtoridad ang lahat para sa kaligtasan ng Pangulo.
“We underscore that the safety of the President is a non-partisan issue, and we stand united in our commitment to upholding the integrity of the office and the democratic institutions that govern our great nation,” dagdag nito.