Mariing pinabulaanan ni Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) Chief Minister Ahod Ebrahim ang alegasyon ng korapsyon sa Bangsamoro Government na nagdadawit sa pangalan ni Special Assistant to the President Antonio Lagdameo Jr.
Sa isang pahayag, binigyang-diin ni Ebrahim na gawa-gawa lamang ang akusasyon para manira ng reputasyon.
Pinag-aaralan na ngayon ng Bangsamoro Government ang posibleng legal na aksyon laban sa mga nagpapakalat ng paninira sa mga opisyal nang walang ebidensya.
Panawagan ni Ebrahim sa publiko, mag-ingat sa mga malisyosong pahayag at balita lalo na ngayong nalalapit na ang halalan.
“Let us all work together for a peaceful, honest, and credible first parliamentary elections in the BARMM,” saad ni Ebrahim. -VC