IBCTV13
www.ibctv13.com

Batas sa maagang pagdedeklara ng state of calamity bago ang sakuna, nilagdaan ni PBBM

Hecyl Brojan
77
Views

[post_view_count]

Photo from Presidential Communications Office (PCO).

Nilagdaan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Republic Act (RA) 12287 na magpapahintulot sa Pangulo at mga lokal na pamahalaan na magdeklara ng State of Imminent Disaster bago pa man tumama ang kalamidad.

Layunin nito na mapabilis ang paghahanda at pagpapatupad ng mga hakbang para sa emergency para sa proteksyon ng mamamayan.

Sa ilalim ng batas, maaaring magdeklara ang Pangulo o lokal na opisyal sa rekumendasyon ng Regional o National Disaster Risk Reduction and Management Councils (NDRRMC), kapag may tatlo hanggang limang araw na lead time at mataas ang banta ng sakuna.

Sa pagsasagawa ng pre-disaster risk assessment, papayagan ang maagang paglikas, pagmomobilisa ng inter-agency response teams at volunteers, prepositioning ng relief goods at iba pang suplay, at pagpapatupad ng social amelioration program para sa mga pinaka-apektadong residente.

Inaatasan din ang mga Local Government Unit (LGU) na isama ang anticipatory action measures sa kanilang regular na programa at pondo, habang maglalabas naman ang NDRRMC ng mga patakaran at operational guidelines sa loob ng 60 araw para sa maayos na implementasyon.

Maaaring agad na bawiin ang deklarasyon kung bumaba ang banta batay sa pinakahuling risk assessment. –VC